1. |
Peace ta, Peace Tayo
03:45
|
|||
PEACE TA, PEACE TAYO
lyrics: Gauss Obenza & Archimedes Barcelona
composed by: Gauss Obenza
Verse 1:
Halika na, ating subukan
Gumising sa umagang may kapayapaan
Halika na’t ating simulan
Katahimikan sa bawat pamayanan
Verse 2:
Abot kamay nating lahat
Tunay na pagbabago ang mayayakap
Makakamit ang pangarap
Kung sa puso malasakit ang hawak
Chorus 1:
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Abutin ang lahat ng sulok ng pulo
Peace ta, peace tayo
Ugaliing may kapayapaan sa puso
Peace tayo
Bridge:
I-like, i-share, i-hashtag, Ipa-viral natin
Ang kapayapaan ay ating pausuhin
Ibahagi sa social media’t sa araw-araw na gawain
Ang kapayapaan ay ating ugali - - - - - - - - - - - - in
Repeat Verse 1:
Chorus 2:
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Abutin ang lahat ng sulok ng pulo
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Abutin ang lahat ng sulok ng pulo
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Ugaliing may kapayapaan sa puso
Peace. . . tayo
|
||||
2. |
Apoy
03:24
|
|||
APOY
lyrics written with: Arnel Mardoquio
composed by: Rosario Obenza
Pagmasdan ang apoy sa kalangitan
Pagsayad nito sa lupang kinagisnan
Igawad nawa ang kapayapaan
Humihiwang liwanag sa langit
Mananaig sana ang pag-ibig
Apoy . . . Apoy. . .
Apoy sa hangin Apoy sa lupa Apoy sa dagat
(apoy sa hangin) (apoy sa lupa) (apoy sa dagat)
(apoy sa lupa) (apoy sa langit)
Maglakbay kahit may humaharang sa daan
Kung ang puso ang gabay at lakas ng hakbang
Mararating din (mararating din) . . . ang kapayapaan
Humihiwang liwanag sa langit
Mananaig sana ang pag-ibig
Apoy . . . Apoy
Apoy sa hangin Apoy sa lupa Apoy sa dagat
(apoy sa hangin) (apoy sa lupa) (apoy sa dagat)
(apoy sa lupa) (apoy sa langit) (apoy sa lupa)
|
||||
3. |
Ang Kapayapaan
03:01
|
|||
ANG KAPAYAPAAN
written and composed by: Rosario Obenza
Ang Kapayapaan
Ay isang sanggol
Sumilay, sumibol
Sa puso ng ina
Iniluwal sa lupa
Binasbasan ng langit
Diniligan ng pag-ibig
Inalagaan, ipinamahagi
Yakapin mo
Sa yong dibdib
Ipalaganap mo
At pagyamanin
Ang kapayapaan
Ay isang sanggol
Dakila, dalisay
Bukal ng buhay
Dumadaloy sa lahi
Tumutulay sa lipi
Dumuduyan sa ihip
Sumasayaw sa isip
Yakapin mo
Sa yong dibdib
Ipalaganap mo
At pagyamanin
|
||||
4. |
Manlilikha
05:01
|
|||
MANLILIKHA
written and composed by: Rosario Obenza
Bathala Diyos Magbabaya Allah
Bathala Diyos Magbabaya Allah
Poong maylikha
Inahon mo ako mula sa lupa
Nang aking mapangalanan
Ang bawat nilalang
May ilog ay dumadaloy
Sa aking isipang nais lumipad
Sa ibabaw ng mga tala
Bathala Diyos Magbabaya Allah
Bathala Diyos Magbabaya Allah
Poong maylikha
Nakakamangha ang inyong gawa
Sarisaring kulay
Sumasayaw sa kalawakan
Subalit kami ay nalula
Sa inalay na kalayaan
At kami’y nawalay sa ibang landas
Bathala Diyos Magbabaya Allah
Bathala Diyos Magbabaya Allah
Sunduin mo ang aming bayang naliligaw
Hawiin mo ang ulap ng aming pagkakabulag
Basbasan kami ng 'yong Dakilang Liwanag...
Bathala Diyos Magbabaya Allah
Bathala Diyos Magbabaya Allah
|
||||
5. |
Lawig
02:59
|
|||
LAWIG
lyrics written by: Agustin Pagusara
composed by: Rosario Obenza
May sakayan sa damgo
Naglukso-lukso sa mga balud
Gidul-ong sa iyang dulong
Ang pulo sa kabuntagon
Dali na, pangitaon tang mutya
Luyo sa gabon sa panahon
Damgo sa katigulangan
Sa lapyahan sa kasaysayan
Dali na kaplagon ta ang ugma
Sa mga gihay sa balangaw
Ginatagik ug ginahablon
Nga hanig sa kasaysayan
Tara na tara na
Ilabyog ta’ng atong mata
Tara na tara na
Idunggo ta’ng atong damgo
Tara na tara na
Sa nagkidlap nga mga isla
Tara na tara na
Ngadto sa unahan
Tara na tara na
Naghulat ang kapalaran
Asoy panimpalad
Sugilanon sa gugma
Dali na Tara na
|
||||
6. |
||||
HUNI SA TIUNAY NGA KALINAW
lyrics written by: Agustin Pagusara
composed by: Rosario Obenza
Dugay nang gihandom ang imong dagway
Dugay nang gihidlaw imong tingog
Dugay nang nangandoy sa huni nga pagaspas
Sa imong mga pako
Huni sa tiunay nga kalinaw
Huni sa tiunay nga kalinaw
LALALALA. . .
Lupad, langgam sa Kalinaw
Lupad, lupad ug isabwag
Ang mga binhi sa kasaysayan
Lupad, damgong gitan-ogan
Sa kasingkasing sa katawhan
Huni sa tiunay nga Kalinaw
Huni sa tiunay nga Kalinaw
LALALALA. . .
Lupad, langgam sa kalinaw
Samokang tanang mga panganod
Ipabuhagay ang ulan sa pangandoy
Manurok sa matag kasingkasing
Ang huni
Huni sa tiunay nga Kalinaw
Huni sa tiunay nga Kalinaw
LALALALA. . . LALALALA. . . LALALALA. . .
|
||||
7. |
Meme Na
03:14
|
|||
MEME NA
lyrics written with: Agustin Pagusara
composed by: Rosario Obenza
Meme na, anak
Sa dibdib ng lupa
Pusong pumipintig
Ang iyong maririnig
At mula sa gubat
Ang agos ng sapa
Ay luha ng bayang nagdurusa
Meme na, anak
Sa haba ng landas
Ang takbo ng buhay
Gulong walang humpay
Hirap na dinaranas
Sa digma sumasabay
Dugo sa larangan
Pangarap ng bayan
Meme na, anak
Bumangon sa kahirapan
Ano’ng silbi ng yaman
Kung diwa ay nasasakal
Hawak sa pakikibaka’y
Wag lulubayan
Hangga’t hindi nakakamtan
Ang kapayapaan
Meme na, anak
Meme na,
Meme na, anak
Meme na
|
||||
8. |
Sayaw ng Pasasalamat
04:31
|
|||
SAYAW NG PASASALAMAT
written and composed by: Gauss Obenza
Silaban ang pagnanasang
Natutulog sa yong dibdib
Isigaw ang kasiyahang
Nagtatago sa iyong tinig
Iwagayway ang tuwang
Umiidlip sa yong bisig
Gisingin ang munting siglang
Umiindak. . . sa mga paa.
Tumayo, umindak,
Huminga, humiyaw,
Lumikha ng ingay,
Ihanda ang sarili
Sa sayaw ng pasasalamat
Bathala-Diyos-Manama-Allah [2x]
Kayrami nang dinaranas
Na tagtuyot at tag-ulan
At sila'y umiinog
Sa gulong ng kasaysayan
Heto na naman
Ang umaga
Ng anihan at pagdiwang
Ang pag-aalay nawa’y basbasan
Ng Manlilikha
Tumayo, umindak,
Huminga, humiyaw,
Lumikha ng ingay,
Ihanda ang bayan
Sa sayaw ng pasasalamat
[2x]
Bathala-Diyos-Manama-Allah [4x] [instrumental]
Tumayo, umindak,
Huminga, humiyaw,
Lumikha ng ingay,
Ihanda ang lahat
Sa sayaw ng pasasalamat
[4x] Bathala-Diyos-Manama-Allah [4x]
|
||||
9. |
Pagpangatagak
03:29
|
|||
PAGPANGATAGAK
written and composed by: Rosario Obenza
Usa-usa nga napulak
Ang mga liso ug mga lugas
Sa yuta nga daw naghulat
Nga ang hangin mulabni sa lipak
Hinay-hinay
Nga nangatagak,
Midagayday
Ug mibanaw
Sa kasapaan
O! tubig,
Hugasi ako,
Hinlua ang mansa sa dugo
O! hangin,
Huyupi ako,
Hupaya ang naghuot nga dughan
O! bulan,
Lamdagi ako,
Tultuli sa akong dalan
O! adlaw,
Hayagi ako,
Inita ang namugnaw nga palad
|
||||
10. |
Dahon Puno Ugat Lupa
06:31
|
|||
DAHON, PUNO, UGAT, LUPA
lyrics written by: Marie Anathea Chua,
composed by: Rosario Obenza
Dahon, dahon, hatid sariwang hangin
Hayaang langhapin, payapang hangarin
Puno, puno, punuin ng pagmamahal,
Puso ng bawat mamamayan
Ugat, ugat, kung sa’n sumibol ang lahat
Buhaying muli and dating ganda
Lupa, lupa, lupang gitindugan
Hagkan and katawhan Amomahon, kalibutan
Dahon, puno, ugat, lupa
Lupa, ugat, dahon, puno
Puno ng hiwaga
Dahon, puno, ugat, lupa
Lupa, ugat, dahon, puno
Puno ng pagmamahal
Dahon, puno, ugat, lupa
Lupa, ugat, dahon, puno
Ika’y mahalaga
Inang Kalikasan
Iduyan mo kaming tanan
Sa imong dughan ug sinapupunan
Inang Kalikasan
Ihatud mo kaming tanan
Sa tulay sa balangaw
Padulong sa kalinaw
|
||||
11. |
Buhay at Pag-asa
04:11
|
|||
BUHAY AT PAG-ASA
written and composed by: Rosario Obenza
Kumikinang na sinag ng haring araw
Dumadampi sa dahong namamamanglaw
Hinahaplos ng hamog ang lupang nauuhaw
Dinuduyan sa sanga ang mga bunga
Nilalaro sa himig ng hangin
Nanunukso ang katas
Nagpapapitas ang prutas
Ipagdiwang ang buhay at pag-asa
Ang hinihintay na ani ay narito na
Ipagdiwang ang buhay at pag-asa
Ang bukas na pangako ay narito na
Sumasayaw sa lupa ang mga magsasaka
Ang buhay nila’y dito ipinunla
Inararo ng pagsisikap at tiyaga
At ang ani ay sagana
Ipagdiwang ang buhay at pag-asa
Ang hinihintay na bukas ay narito na
Ipagdiwang ang buhay at pag-asa
Ang bukas na pangako ay narito na
At awitin sa puso ang pasasalamat
Ipagdiwang ang buhay at pag-asa
Ang bukas na pangako ay narito na
Ipagdiwang ang buhay at pag-asa
Ang bukas na pangako ay narito na
|
||||
12. |
Batis
03:54
|
|||
BATIS
written and composed by: Gauss Obenza
Laging may dumadaloy na musika
Sa batis ng aking puso
Nag-uumapaw na bukal
Sa aking diwa
Bago makarating ang agos
Sa karagatan
Pinadadalisay ng mga batong
Kinakalong ng talampas
Hanggang sa maaninag
Ang ganap na liwanag
Ang awit ng puso,
Ang aking gabay
Sa hamon at biro
Ng karangyaan
Ang mga dinaranas
At kaalaman
Ang alay ko sa kanya
Dakilang Ligaya,
Dakilang Biyaya
Kanunay nagadagayday ang musika
Sa sapa sa akong dughan
Nagaawas nga tuburan
Sa panumduman
Una makaabot ang sulog
Ngadto sa dagat
Gipatunhay sa mga batong
Gisapnay sa pangpang
Salamat, Bathala
Salamat, Bathala. . .
La-ra-ra-
|
||||
13. |
Handa Na Ang Puso
04:12
|
|||
HANDA NA ANG PUSO
written and composed by: Gauss Obenza
Kayrami ma’ng pinggang mga pinagkainan
Di pa nahuhugasan; sa kusina't hapag
Pwede pa ring patuluyin sa aking tahanan
Ang kapayapaan. . . kapayapaan. . . kapayapaan
Di pa man ako nakakaligo,
Ang buhok ay ginulo ng hanging mapagbiro
Pwede pa ring papasukin sa isip at dibdib
Ang kapayapaan. . . kapayapaan. . . kapayapaan
Di kailangang plantsahin, lahat ng gusot ng damit
Di kailangang walisin, bawat agiw sa dingding
Di kailangang suyurin, lahat ng sulok ng dilim
Kung ang puso'y handa na, ang puso'y handa na
Ang puso'y handa na, handa na ang pusong tumanggap
Ng kapayapaan. . . kapayapaan. . . kapayapaan
Kapayapaan. . . kapayapaan.
Kaliwa’t kanang kamay, laging nag-aaway
Mga paa’y nag-uunahan sa bawat hakbang
Pwede pa ring pagsamahin
Sa iisang landas ng kapayapaan
Wag mo nang indahin, mga tinik at putik
Sa daang lalakbayin, laging may balakid
Wag mo nang pigilin ang pagbuhos ng ulan
Sa lupang natitigang, papawiin ang uhaw
Wag mo nang hintaying matapos ang digmaan
Simulan ang paghakbang tungo sa katahimikan
Ipaalingawngaw sa lahat ng sulok ng bayan
Ang sigaw laban sa bala at bomba-haaaa
Dahil ang puso'y handa na, ang puso'y handa na
Ang puso'y handa na, ang puso'y handa na. . . . [2x]
Handa na’ng magpalaganap. . . ng kapayapaan
|
||||
14. |
Panunumpa sa Pagbabago
02:08
|
|||
PANUNUMPA SA PAGBABAGO
written and composed by: Gauss Obenza
Nangangako ako
Nang taimtim
Lalabanan ko
Ang pagkalat ng lagim
Sisimulan sa sariling paninindigan
Kasama ng dalangin
At patnubay ng maykapal
Maging bahagi
Sa pagpanday ng ating lipunan
Nawa ako'y magtatagumpay
At kung tayo ay magkapit-kamay
Tayo ay magtatagumpay
Tara Na Tara Na Tara Tara Na haah haah
|
||||
15. |
Hugyaw
04:40
|
|||
HUGYAW!
written and composed by: Gauss Obenza
Mindanaw, sayaw-sayawan ta
Ang pag-ulbo sa ... masadyang adlaw
Ang dahunog sa init nga yuta
Nag-awit ug kadasig sa dughan
Gihagawhaw sa hangin
Ang kamabungahon sa dahon
Gitaghoy gisitsit sa gangis
Ang katam-is sa taligsik ug ulan
Mindanao, hadla-hadlaon ta
Mga gagmay'g dagkong balud nga naghudyaka
Ang lalom ug ang mabaw nga mga kalipay
Musalom sa diwa, maglumbaanay
Gilala sa mga bungtod
Ang mga pangandoy sa panganod
Giduyan-duyan sa kalasangan
Aron mapulak ang hinog nga katumanan
Mindanaw, sayaw-sayawan ta
(Sayaw-sayaw... sayawan ta)
Ang pag-ulbo sa masadyang adlaw
(Sayaw-sayaw-sayawan ta...woh)
Ang dahunog sa init nga yuta
(sayawan ta... woh)
Nag-awit ug kadasig sa dughan
Mindanaw... Mindanaw,
Sa mata mo maaninaw
Mindanaw... Mindanaw,
Ang kaanyag sa kinaiyahan
Mindanaw... Mindanaw,
Sa dughan mo ihugyaw
Mindanaw, Mindanaw,
Ang kasadya sa kinaiyahan...
Mindanaw!!!
Ihugyaw ang kasadya sa kinaiyahan (hugyaw, hugyaw)
Mindanaw...mindanaw
Sa mga palad mo ibayaw
Mindanaw...mindanaw
Mga halad
Sa kinaiyahan
Mindanaw...mindanaw
Sa tunob mo Mukisaw-kisaw
Mindanaw...mindanaw
Ang kalinaw
Sa kinaiyahan... Mindanaw!!
|
||||
16. |
||||
PEACE TA, PEACE TAYO
lyrics: Gauss Obenza & Archimedes Barcelona
composed by: Gauss Obenza
Verse 1:
Halika na, ating subukan
Gumising sa umagang may kapayapaan
Halika na’t ating simulan
Katahimikan sa bawat pamayanan
Verse 2:
Abot kamay nating lahat
Tunay na pagbabago ang mayayakap
Makakamit ang pangarap
Kung sa puso malasakit ang hawak
Chorus 1:
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Abutin ang lahat ng sulok ng pulo
Peace ta, peace tayo
Ugaliing may kapayapaan sa puso
Peace tayo
Bridge:
I-like, i-share, i-hashtag, Ipa-viral natin
Ang kapayapaan ay ating pausuhin
Ibahagi sa social media’t sa araw-araw na gawain
Ang kapayapaan ay ating ugali - - - - - - - - - - - - in
Repeat Verse 1:
Chorus 2:
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Abutin ang lahat ng sulok ng pulo
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Abutin ang lahat ng sulok ng pulo
Peace ta, peace tayo
Dinggin ang hinaing ng bawat tao
Peace ta, peace tayo
Ugaliing may kapayapaan sa puso
Peace. . . tayo
|
Streaming and Download help
If you like Gauss Obenza, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp